Naranasan mo na bang maghirap para lang magkaroon ng isang bagay na pinakaaasam mo sa buhay? Yung tipong, hindi basta bastang bagay lang; Yung tipong kailangan mo talagang paghirapan at pagtiisan para lang makamit nang lumigaya at makontento ka. Eh yung karanasan na, nakuha mo ang gusto mong bagay ng hindi ka man lang pinagpawisan para makuha ito? Yung tipong, pawis ng iba; paghihirap ng iba---in short, effort ng iba kaya mo nakuha ang isang bagay na pinakaaasam mo. Kung ako ang inyong tatanungin, Oo ang maisasagot ko. Sa parehong aspeto, "Oo". Walang pagpapaliwanag akong maibibigay sa inyo, basta simpleng "Oo" ang sagot ko sa sarili kong tanong.
May pinaghirapan akong makuha, yun yung "RESPETO". Hindi ko naman sinasabing hindi ako nirerespeto ng mga taong nakapaligid sa akin. Ang akin lang, yung tipo ng respeto na gusto ko. Yung respetohin ako 'di dahil sa mga magulang ko, 'di dahil sa estado na meron sila; 'di dahil sa may ama akong pulis at inay na grumaduate sa pagka titser; 'di dahil sa ibang tao kaya nagkarespeto sila sa akin. Yung sinasabi kong respeto ay---yung tipong, nirerespeto ako dahil babae ako, dahil may pangalan ako, dahil tao ako, dahil anak ako ng Panginoon, dahil sa marunong rumespeto ang mga taong nakapalibot sa akin. Yun yung tinutukoy ko. Ikaw, nirespeto ka na ba dahil sa mga rason na meron ako? Kasi ako, "Oo". Hindi ko naman sinasabing hindi sila marunong rumespeto na naaayon sa kagustohan ko. Demanding bang maituturing ako? Dahil "ganoong" klase na respeto ako gustong respetohin? Hindi naman siguro. Sino bang may gustong 'di respetohin? Diba, wala? Pareho lang tayo, magka-ibang lebel nga lang siguro.
Hindi ganun kadaling makipagsalamuha sa mga taong may matataas na estado sa buhay, sa mga taong ganito-ganyan, sa mga taong "high-end brands" kung ikokompara mo sa mga gamit etc. Hindi naman sa nakakasawang makipagkwentohan sa kanila, hindi ko rin naman sinasabing may mga tao akong parating nakakasalamuhang "high-end brands" yung tipong, HELL-O! HINDI ITO ANG GUSTO KONG MUNDO. DUH!! tragis. Kung akala mong "far out" na ang pinagsasabi ko dito ngayon sa mga na unang paragraphs, well, nagkakamali ka sa inaakala mo. Yung tipong, nirerespeto ka kasi may mga magulang kang ganito-ganyan, nirerespeto ka kasi pulis ang ama mo, nirerespeto ka kasi ganito ang posisyon ng mama mo, nirerespeto ka kasi ganito posisyon ng ama mo, nirerespeto ka kasi may mga bagay na meroon ka, nirerespeto ka kasi sa mga grupong meron ka, nirerespeto ka kasi napapaligiran ka ng mga kaibigang gaya nila, nirerespeto ka kasi may "pangalan" ka sa komunidad. Hindi ko naman sinasabing pangit ang pakitungo o ano, nakakapagtaka lang kasi. Papaano kung wala kang ganun? Papaano kung hindi ka ganun? Anong respeto ang makukuha mo? Anong respeto meron ka para sa kanila? Hindi ako nagrereklamo, sinasabi ko lang kung ano ang tumatakbo sa isipan ko ngayon, hingi ko rin naman sinasabing nakakabastos o kaplastikan o kung ano bang pwede maisip ng tao. Ang saya kaya nun, importante ka sa mga okasyon, ispesyal ka sa kanilang mga mata, mataas ang paningin sayo, kulang nalang sabihin kong tinitingala ka sa kung anong meron ka. Ang akin lang naman, no, ang tanong ko lang naman, HANGGANG KAILAN SILA MAGIGING GANYAN SAYO?
~Napapagod rin ako..


0 comments:
Post a Comment