Saturday, November 5, 2011

Oo. Inaamin ko.

Naisipan kong mag back-read sa Tumblr ng mabasa ko to,

"Aminin mo mahirap sabihin sa kanya na sa kanya ka na lang , lalo na kung alam mo na sa bawat pagbigkas mo ng mga salitang ‘yun ay nasasaktan ka na."

May biglang kurot akong naramdaman sa puso ko, hindi naman sa hinihingi kong mahalin niya ako o sana sa kanya nalang ako. Sa mga nagdaang araw, parati nalang kaming nag-aaway ng taong mahal ko. Aminado ako na may mga pagkukulang at maling nagawa ako, pero sa tingin ko, hindi ito sapat para makadama ako ng ganito. Alam kong sa isang relasyon, madalas nag-aaway ang mag-syota dahil may "third-party" o ibang babae ang isa sa kanila; hindi na nila mahal ang isa't isa; di na nagkakaintindihan; madaling mag-sawa ang lalaki/babae; o kundiman, nakikipag laro lang ang isa sa kanila, pwede ring pareho. Oo. Inaamin ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit na nadadama ko ngayon ay magkasing tulad na sakit ng taong nagsabi ng linyang yan (sa itaas).

Ang !@#$%^&* lang eh nu? (FYI, ngayon lang ako nagmura ulit. Ang sakit na kasi)

0 comments: